Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, nagpaliwanag sa hindi pagkakasama sa line-up sa national team si Ray Ray Parks na sasabak sa jones cup

124

Sports – Ipinaliwanag ngayon ni Gilas Pilipinas head Coach Chot Reyes kung bakit hindi nakasama sa line-up ng national team si Ray-Ray Parks na sasabak sa Jones Cup na gaganapin sa Chinese-Taipei sa darating na July 15 to 23.

Ayon kay Reyes, hindi na nila naihabol pa ang pangalan ni Parks dahil late na din itong nagsabi na sasali pero sigurado naman na makakasama ito sa gilas na lalaro sa seagames sa susunod na buwan.

Ilan sa mga layers na kasali ay sina Jio Jalalon, Matthew Wright, Ed Daquioag, Rr Pogoy, Mac Belo, Mike Toloma, Fonso Gotladera, Mike Tolomia, Almond Vosotros, Von Pessumal, Kobe Paras, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Kiefer Ravena, Christian Standhardinger at ang import ng TNT Ka-Tropa na si Mike Myers bilang reserve player.


Magsisimula ang 2017 Jones Cup sa Hulyo 15-23 sa Taipei at unang makakaharap unang makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Canada sa July 15 na susundan ng Chinese Taipei A, Chinese Taipei B, Japan, Korea,Iraq, Lithuania, India at last game ang Iran.

Facebook Comments