Gilas Pilipinas, doble kayod sa paghahanda sa SEABA Championship na magsisimula bukas

Manila, Philippines – Mas gumanda na daw ang mgamovements ng players ng Gilas Pilipinas bago ang simula ng SEABA Championships.
  Ayon kay Coach Chot Reyes, doble kayod sila ngayon sapaghahanda pero mas marami pa rin ang dapat na pag-aralan.
  Tantya din ni Reyes, nasa 50 percent pa lang angkondisyon ni naturalized player Andray Blatche pero kumpiyansa naman sina JuneMar Fajardo at Raymond Almazan na magiging epektibo ito sa nasabing tournament.
  Tingin naman ni Coach Chot, magsilbi sanang steppingstone ang SEABA para makamit ang pangarap na makarating ang nationalbasketballteam sa Olympics.
  Bukas, unang makakalaban ng Gilas ang basketball team ng Myanmarsa alas-7:00 ng gabi na mapapanood sa Araneta Coliseum.
 

Facebook Comments