Gilas Pilipinas final 12 inilabas na kontra Japan; kampanya magsisimula na mamayang gabi

47

Sports – Sisimulan na mamayang ala-sais ng gabi ang kampanya ng Gilas Pilipinas na muling makabalik sa 2019 World Cup sa pagharap ng koponan kontra Japan sa Komozawa Olympic Park and Gym sa Tokyo.

Sa buwena manong laro, pinili ni Coach Chot Reyes ang mga beterano nito kontra sa mga Hapon.

Sa final 12 ng team, nalaglag sina Carl Bryan Cruz, Mac Belo at ang injured na si Raymond Almazan.

Pasok sa lineup sina Jayson Castro, Japeth Aguilar, Andray Blatche, June Mar Fajardo, Kevin Alas, Kiefer Ravena, Calvin Abueva, RR Pogoy, Matthew Wright, Gabe Norwood, Allein Maliksi at Troy Rosario.

Facebook Comments