GILAS PILIPINAS | Lassiter, nakahandang maglaro sa Gilas kung sakaling ipatawag ni Coach Chot Reyes

Gilas – Handa ang San Miguel Beermen Shooting Guard na si Marcio Lassiter na muling maglaro sa Gilas Pilipinas.

Ito ay depende daw kung kakailanganin o isasama siya ni Coach Chot Reyes sa pool ng mga players lalo na’t kakailanganin nila ng mga shooters sa team.

Ayon kay Lassiter, willing daw siyang maglaro sa National Squad lalo na ngayong tinanggal na ang patakaran ng PBA na isang player kada-team lang ang pwedeng isali sa Gilas.


Huling naglaro si Lassiter sa Gilas noong 2011 FIBA Asia Championship sa Wuhan, China kung saan nagtapos ang kanilang kampaniya sa ika-apat na pwesto.

Facebook Comments