Gilas Pilipinas – naghahanda na para sa laban kontra Iraq bukas

FIBA – Buhos pa rin ang mga pagbati sa Gilas Pilipinas matapos nitong pahiyain ang China sa unang sabak nila sa 2017 FIBA Asia Cup sa lebanon.

Matatandaang nagtapos ang laban sa iskor na 96-87 sa pangunguna ni Terrence Romeo.

Ayon kay Gilas head coach Reyes, ang panalo ay resulta ng magandang chemistry ng mga manlalaro.


Mas matinding paghahanda naman ang gagawin ng national team para sa susunod nilang laban kontra Iraq bukas.

Habang sa Linggo, makakaharap ng Gilas ang Qatar.

Facebook Comments