Gilas Pilipinas, nasa kalahati pa lang ng paghahanda sa SEABA Championship; Coach Chot Reyes, hindi pa sigurado kung darating si Andray Blatche bukas

70

Manila, Philippines – Marami pa ang dapat gawing paghahanda sa ngayon ang Gilas Pilipinas para sa papalapit na Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship.

Ito ang naging opinyon ng coach ng Gilas na si Chot Reyes kung saan binigyan niya ng rating ang Gilas ng 50% ngunit mas tataas sana ito kung maagang makakarating sa bansa si Andray Blatche.

Ang kawalan ni Blatche sa mga pagsasanay ng Gilas ay nagdudulot ng masamang epekto sa game plan ng Gilas na kasalukuyang nagsasagawa ng training na alinsunod sa isang mahigpit na deadline.

Mababatid na meron na lamang walong araw ang Gilas upang makapagsanay ng husto bago dumating ang pagsisimula ng SEABA sa May 12.

DZXL558

Facebook Comments