Kris Bernal, emosyonal na dumipensa sa mga bashers nito

119

Manila, Philippines – Emosyonal ang aktres na si Kris Bernal matapos na dumipensa sa mga basher nito.

Ayon kay Kris, nasaktan siya sa mga pambabatikos mula ng mag-pose siya sa isang sexy magazine kung saan giit nang mga netizens na hindi ito bagay dahil sobrang payat daw nito.

Hindi din napigilan ni Kris na mapaiyak dahil sa dinadaanan niya ngayon sa kamay ng mga bashers.

Pinagdarasal na lamang ni Kris na matigil na ang ganitong uri ng pamba-bash kung saan sa ngayon, pagtutuunan na lamang daw niya ng pansin ang ginagawa nilang bagong teleserye sa Kapuso network.

 

Facebook Comments