Sports – Hindi na makakaabante pa ang Gilas Pilipinas para sa ika-limang pwesto sa iskor na 106-87, kontra Lebanon sa 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut kagabi.
Walang nagawa ang 19-points ng Terrence Romeo at ang tig-13 puntos nina June Mar Fajardo at Jayson Castro sa ipinunlang 36 points ng top scorer ng Lebanon na si Fadi El Khatib habang 23 points naman para sa naturalized player na si Norvel Pelle.
Samantala, naging mainit ang huling limang minuto ng laban nang mag-walk out si Gilas Coach Chot Reyes dahil sa hindi pagpataw ng foul sa Lebanon nang matapik ng mga ito si Fajardo.
Dahil sa pagkatalo ay haharapin ng Pilipinas ang bansang Jordan para pag-agawan ang ika-pitong pwesto bukas habang makakasagupa ng Lebanon para sa ika-limang pwesto ang China.