Gilas Pilipinas, tinambakan ang team Myanmar sa 2017 SEA Games

Sports – Tinambakan ng Gilas Pilipinas cadets ang Myanmar sa score na 129-34 sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nanguna sa Gilas si Kobe Paras na nakapagtala ng 20 points, eight rebounds at apat na assists kasama na ang pitong steals at apat na blocks.

Nagpakitang Gilas rin si Kobe ng kaniyang pag-dunk.


Mula sa first half ay umabot sa 50 points ang kalamangan ng Philippine team.

Ito na ang ikalawang panalo ng national team.

Facebook Comments