Gilas, pinabagsak sa tune-up games ang Adelaide 36ers

Pinabagsak ng Gilas Pilipinas ang Adelaide 36ers sa kanilang tune-up game ng FIBA World Cup sa iskor na 92-83.

Ginanap ang ikalawang tune-up game ng Gilas sa Meralco Gym kung saan, bumida sa kanilang panalo si Andray Blatche na nakapagtala ng 19 points, 18 rebounds na may 9 assists habang nagpakawala naman ng 17 points si Japeth Aguilar.

Ikinatuwa naman ni Gilas coach Yeng Guiao ang magandang laro na ipinakita ng Adelaide para masubok ang lakas ng kanyang koponan.


Abangan naman bukas ang ikalawang paghaharap ng Gilas kontra 36ers sa kanilang nagpapatuloy na tune-up sa FIBA World Cup.

Samantala, mapapanood na mamaya ang quarterfinals series ng nagpapatuloy na DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament 2019.

Maghaharap sa first game ang DZXL RT Xanthone Plus Team kontra Gentle Hands Holistic Wellness Center na susundan naman ng laban sa pagitan ng DWWW/iFM at RMN Head Office.

Magsisimula ang laro mamayang ala-1:00 ng hapon na gaganapin sa Pembo Sports Complex sa Makati City.

Facebook Comments