Gilas, sisimulan na ang pagsasanay sakaling matapos ang holiday season bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup qualifiers

Sisimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang training sa oras na matapos ang holiday season bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup qualifiers sa February 23, 2021.

Ayon kay Filipino Basketball Coach Jong Uichico, makakasama ng Gilas sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers ang 7-foot-2 na si Kai Sotto kung saan kanilang makakaharap ang South Korea, Indonesia at Thailand.

Dagdag pa ni Uichico, nais ng Gilas na mas maging matured pa ang kanilang pagkilos at ma-build ang tiwala ng isa’t-isa para maiuwi ang panalo.


Facebook Comments