Gilas, tinambakan ang Congo; 102-80

255

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Congo, 102-80, sa kanilang exhibition game sa Spain bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup.

Sinandalan ng national team sina Andray Blatche at Japeth Aguilar sa panalo na nagtala ng pinagsamang 47 points.


Sunod na makakalaban ng Gilas sa exhibition game ang Ivory Coast mamayang gabi (oras sa Spain).

Samantala, sa pagpapatuloy ng DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament maghaharap mamayang alas-4:00 ng hapon ang team DWWW/iFM at Gentle Hands Holistic Wellness Center.

Susundan naman ito ng laban ng team DZXL RT Xanthone Plus kontra Lunas Kalusugan sa Toby’s Sports and Hobbies Basketball Court sa C. Raymundo Avenue, Pasig City.

Facebook Comments