Gin Kings at Elite, magtutuos mamaya; Mayweather, inalok ng isang milyong dolyar para lumaban sa UFC

Target ng Barangay Ginebra Kings na umangat sa upper half ng standings ng 2019 PBA Philippine Cup.

Nabatid na nasungkit ng Gin Kings ang huling panalo nitong nakaraang linggo na bumabasag sa back-to-back losses nito.

Hawak ng Ginebra ang 2-2 win-loss record kung saan kailangan nilang maipanalo ang laban nito ngayong araw kontra Blackwater Elite upang umakyat ang kanilang ranggo.


Ang Elite naman ay may 1-4 win-loss record at kapag natalo pa sila ay lalagapak ito sa torneo.

Magaganap ang bakbakang Ginebra-Blackwater mamayang alas-5:00 ng hapon sa Davao del Sur Coliseum.

Samantala, pinag-iisipan ng undefeated champion Floyd Mayweather Jr. kung tatanggapin niya ang alok na $1-billion ni President Dana White para lumaban sa Ultimate Fighting Championship o UFC.

Bago ito, lumabas ang maraming espekulasyon ng pagsabak ni Mayweather sa UFC simula nang magpakita nito ng pag-e-ensayo sa mixed martial art.

Facebook Comments