GINAGALANG | Hakbang ng senado na kwestyunin ang desisyon ng Korte Suprema para patalsikin si dating CJ Sereno, nirerespeto ng Malacañang

Manila, Philippines – Ginagalang ng Malacañang ang hakbang ng mga senador na kwestyunin ang naging desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaya ang mga senador na lumagda sa isang draft resolution dahil bahagi naman ito ng kanilang kapangyarihan.

Mababatid na 14 mambabatas mula sa 23 senador ang sumusuporta rito.


Nauna nang sinabi ng palasyo na duda silang mababaliktad ang hatol ng Korte Suprema kay Sereno lalo na at pinag-isipang mabuti ng mga mahistrado ang naging kanilang desisyon.

Facebook Comments