Iginiit ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na immoral ang ginagawang “vaccine hopping” o yung paglipat sa ibang lungsod ng mga indibidwal na fully vaccinated na para magpaturok ng booster shots.
Ayon kay Galvez, hindi dapat sinasayang ang mga bakuna lalo na’t ang target ngayon ng gobyerno ay mabakunahan lahat ng mga Pilipino.
Ikinasasama ng loob ni Galvez na mayroon pa aniya tayong mga kababayan sa malalayong lugar na hindi pa nabibigyan ng first dose habang ang ilan ay nasa ikatlong dose na.
Matatandaang sa Quezon City ay may dalawang indibidwal na ang sinampahan ng kaso matapos magpabakuna ng Pfizer at Moderna kahit fully vaccinated na sila sa Sinovac.
Facebook Comments