Lalaking nagtangkang gahasain ang isang dalaga sa Valenzuela City, ginulpi ng taong bayan

Valenzuela City – Ginulpi ng taong bayan ang isang lalaki matapos tangkang gahasain ang isang babae sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si alyas Paulo residente din sa nasabing Barangay.

Ayon sa biktima, nagulat nalang siya nang nakita niyang may lalaking nagtatago sa ilalim ng kanyang kama.


Lumalabas na inaabangan ng suspek ang kanyang biktima dahil nauna pa itong nasa loob ng kwarto bago makapasok ang dalaga.

Mabuti na lang ay dumating ang kanyang tatay na agad nakahingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Nakuha kay alyas Paulo ang isang kutsilyo at isang pangtadtad na patalim.

Bukod dito, noong nakaraang taon pirasok din ni alyas Paulo ang nasabing bahay.

Sa ngayon, hindi masyado makausap ang dalaga kasunod ng nasabing insidente.

Facebook Comments