Ginanap na apat na araw na ASEAN Summits sa Cambodia, naging kapaki-pakinabang para kay PBBM

Makabuluhan at kapaki-pakinabang para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang apat na araw ng 40th at 41st ASEAN Summit and related summits sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa ginanap na kapihan kasama ang media delegation sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ng pangulo na dahil ito ang unang pagkakataon na dumalo siya sa ASEAN summits ay nakilala niya nang personal ang ibang mga lider na miyembro ng ASEAN.

Naobserbahan aniya ng pangulo na halos magkakapareho ang problema ng mga bansa na miyembro ng ASEAN.


Ito ay ang problema sa presyo at supply ng pagkain at presyo sa enerhiya.

Problema rin aniya ng ibang mga bansa ang tumataas na inflation at kung paano matutulungan ang Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs.

Napag-usapan din aniya nila ng mga kapwa lider ang usapin sa pag-recover ng ekonomiya mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.

Sa kabuuan, natutuwa ang pangulo dahil naging maayos at makabuluhan ang kaniyang unang pagdalo sa ASEAN Summits.

Facebook Comments