Ginang, Arestado dahil sa Paninirang Puri

169

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang Ginang matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamineto de aresto nito pasado alas dose kanina sa Brgy. 2, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Everly Cristobal, 57 anyos, may asawa, housewife at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones, dinakip ng mga otoridad si Cristobal matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Heherson Casareno ng MCTC 2nd Judicial Region Jones-San Agustin para sa kasong Grave Oral Defamation sa ilalim ng criminal case no. 19-3264.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalaga ng (P18,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments
From Advertisers