Ginang, Arestado sa Kasong Child Abuse

225

*San Mateo, Isabela* – Napasakamay na ng otoridad ang isang maybahay dahil sa kasong Child Abuse matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas 3:15 kaninang hapon sa Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Maricel Pascual, 21 anyos, may asawa at residente ng Purok 2 sa nasabing lugar.


Nahuli ang akusado ng PNP San Mateo sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Raul V. Babaran ng RTC Branch 20, Cauayan City.

Pansamantalang makakalaya si Pascual kung makakapaglagak ito ng nagkakahalagang P80,000.00 pesos.

Sa kasalukuyan ay dinala na ang akusado sa himpilan ng pulisiya para sa dokumentasyon.

Facebook Comments

From Advertisers