No. 10 “Most Wanted” sa Cordon, Arestado!

57

*Cordon, Isabela *– Nasakote ang ng kapulisan ang itinuturing na Top 10 Most Wanted Person ng Cordon, Isabela matapos madakip ng owtoridad pasado alas 12:00 ng tanghali kanina sa Brgy. Sagat, Cordon, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang naarestong akusado na si Jayson De Vera, 28 anyos , binata at residente ng naturang lugar.


Napasakamay ng tauhan ng PNP Cordon sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Marieta Brawner-Cualing ng RTC Branch 9 Family Court ng Probinsiya ng Benguet dahil sa paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.

Pansamantalang makakalaya si De Vera kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng P 120,000.00.

Dinala na ang akusado sa Cordon Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers