CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang isang ginang matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. Santos, Quezon, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Tansing”, 62-anyos, at residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang suspek matapos masilbihan ng mandamiento de aresto na inisyu Hon. Leif John L Rubino, Presiding Judge of Regional Trial Court ,Second Judicial Region, Branch 23 Roxas Isabela sa dalawang bilang ng kasong Child Abuse na may inirekomendang pyansa na nagkakahalaga ng P160,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, ipinasakamay na ng Quezon Police Station ang suspek sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Facebook Comments