Ginang, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

130

*Cauayan City, Isabela-* Nahuli ang isang ginang sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Purok 4, Barangay Victory Norte, Santiago City.

Kinilala ni P/Maj.Reynaldo Balunsat, Station Commander ng Station 2 ang nahuli na si Imelda Ilumin, 52-anyos at residente ng Victory Norte ng nasabing lungsod.


Narekober sa pag-iingat ni Ilumin ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Si Ilumin ay tuluyan nang sinampahan ng kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers