Ginang binuhusan ng acido sa mukha nang dalawang lalaki sakay ang motorsiklo sa Gensan

General Santos City, Philippines – Dinala ng St. Elizabeth Hospital ang isang ginang na si Emalyn Brillantes, 42, residenti ng Prk. Tinago, Barangay South, Gensan matapos itong binuhusan ng acido ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa initial investigation ng police station 1, napag-alaman na nag babantay ng kanyang panindang kape ang biktima alas 11:00 ng gabie sa Brangay South nitong lunsod, habang walang customer, sya nagpahinga muna hanggang naidlip.

Doon na dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo, agad na nilapitan ng back rider ang biktima at binuhusan ng acido ang kanyang mukha. Dahil sa matinding gulat, hindi na nagawa pa ng ginang na humingi ng tulong. Agad namang tumakas ang mga suspek.


May kinalaman sa pag-ibig ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa nasabing insidenti matapos napag-alaman na mayroon ng banta ang biktima sa dati nitong live in partner matapos nagalit ng kanya itong hiniwalayan.

* DZSXL558, Rose Sioco*

Facebook Comments