Mga papasok sa Gensan, hinahanapan ng ID kaugnay sa pagpapaigting ng seguridad sa lungsod

General Santos City, Philippines – Para mas maiwasang malusutan ng mga bandido ang lungsod ng General Santos, mas pinaigting ngayon ng pulisya ang ipinapatupad na seguridad lalo na sa mga papasok ng lungsod.

Simula kahapon hinahanapan na ng ID’s ng Pulisya ang lahat na papasok sa Gensan sa mga check point na nakatagala sa entry point ng siyudad.

Sinabi ni Police Sr. Supt. Maximo Layugan, City PNP director, itoy para narin mamonitor ang lahat nga mga pumaasok lalo na’t marami nang mga evacuees galing ng Marawi City ang nagpuntahan na sa Gensan.


Dahil dito nanghihingi nang pag-unawa ang pulisya at at joint task force Gensan sa lahat mga mga motorista dahil sa malaking abala pero itoy para na rin sa kaligtasan ng lahat.
DZXL558, *Rose Sioco*

Facebook Comments