Ginang Celia Veloso, may panawagan kay Pangulong Duterte para sa kanyang anak na si Mary Jane Veloso

Manila, Philippines – Nanawagan si Ginang Celia Veloso kay Pangulong Rodrigo Duterte na idulog kay Indonesian President Joko Widodo na bigyan na ang pardon ang kanyang anak na si Mary JaneVeloso na kasakuluyang nasa death row.

Nabatid na nakulong atnahatulan ng kamatayan si Mary Jane sa Indonesia dahil sa iligal na droga.

Kasama ni ginang Velosoang grupong migrante international nang nagpunta sa Malakanyang pero hindi nitonakausap ng personal si Pangulong Duterte at sa halip ay nagpunta na lang ito sa tanggapan ni Presidential Adviser for OFWs Sec. Abdula Mamau.


Bukas, nakatakda angstate visit ni Pres. Widodo kung saan magkakaroon ito ng bilateral meeting kay Pangulong Duterte.

Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang development sa mga nauna ng napag-usapan ng bumisita sa Jakarta si Pangulong Duterte noong nakaraang taon.

Facebook Comments