Ginang, Dinakip dahil sa Pamimili ng Boto!

2064

Gamu, Isabela – Arestado ang isang ginang matapos mamili ng boto sa tatlong katao sa Purok 6, Brgy. Linglingay, Gamu, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Edna Angala Tungpalan, nasa hustong gulang at residente ng Brgy.Mabini, Gamu, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Tungpalan matapos maireport na namimili ng boto sa tatlong indibidwal na kinilalang sina Cervando Papa Pascua, Randy Cadauan Gannaban, at Melody Gannaban.

Ang perang kanyang ipinapamahagi sa mga tao na nagkakahalaga ng tatlong daang piso bawat isa ay kapalit umano ng kanilang boto para kay Sonny Carro na tumatakbong Sangguniang Bayan Member ng nasabing bayan.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa BP 881 o Vote Buying si Tungpalan.

Facebook Comments

From Advertisers