Lalaki, Nagkalasug–lasog ang katawan matapos Salpukin ng Bus!

641

Roxas, Isabela – Patay ang isang magsasaka lulan ng kanyang bisikleta matapos salpukin ng Florida Bus pasado alas dos ng hapon sa pambansang langsangan na sakop ng San Antonio, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Saturnino Pautin Parinas Sr., singkwenta anyos, magsasaka at residente ng Sandiat Centeo, San Manuel, Isabela habang ang suspek ay si Saturnino Lorenzana Tingle, kwarentay sais anyos, may asawa, Driver ng Florida Bus at residente ng Casigayan, Tabuk City, Kalinga.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, habang binabaybay ni Tingle ang nasabing lansangan patungong hilagang direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nasalpok nito ang biktima na lulan ng kanyang bisikleta.

Sa lakas ng impak ay nagtamo ng matinding sugat at nagkalasug-lasog ang katawan ng biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nasa kustodiya na ng PNP Roxas ang suspek maging ang sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers