Ginang, Huli sa ikinasang Drug buy-bust operations

106

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang isang babae matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kanina sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Fritchie Lacar alyas ‘Ching’, 26 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Centro Uno, Angadanan, Isabela at kasalukuyan na nangungupahan sa Brgy. Linlingay sa Bayan ng Alicia.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Alicia, nakumpiska sa pag iingat ng suspek ang isang pakete ng pinaniniwalaang naglalaman ng pinatuyong dahoon ng marijuana, isang (100.00) daang piso na buy bust money.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng awtoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers