Tsuper na Top 10 Wanted Person, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki na Top 10 Wanted Person Municipal Level matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kaninang umaga sa Brgy. Ugad, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Esteban Caguiat, 30 anyos, walang asawa, driver at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Tumauini, inaresto ng awtoridad ang akusado sa pangunguna ni P/Maj. Eugenio Manllillin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Rogelio Anapi, 2 nd MCTC Cabagan-Sto. Tomas para sa kasong Reckless Imprudence Resulting and Damage to Property sa ilalim ng criminal case no.4069 na may petsang Oktubre 28, 2019.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalagang (P12,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa kakukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments