Ginang, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

34

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 29-anyos na babae matapos ang ikinasang drug buy-bust operation pasado 2:15 ngayong hapon sa FNDY Boulevard, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Karla Mae Dela Cruz, walang asawa at residente ng Brgy. Lanting Roxas, Isabela.


Positibong nabentahan ng suspek ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000 marked money.

Tumitimbang ito ng 0.51 grams at may market value na P6,800.00.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang cellphone, pera na halagang P40.00 at iligal na droga.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dela Cruz, unang beses itong nahuli sa kaparehong kaso taong 2018 sa Echague at kalauna’y nakalaya rin ito sa pamamagitan ng plea bargaining at sumailalim sa drug rehabilitation.



Aminado umano siya sa kanyang ginawa at labis ang kanyang pagsisisi dahil nagawa lamang niya ang pagbebenta sa dahilan na panggastos umano niya sa darating na kaarawan ng kanyang anak.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments