Iba pang persons of interest na sangkot bentahan ng bakuna at vaccine slots, tinutukoy na

56

Inaalam na ng mga awtoridad kung mayroon pang iba pang kasabwat ang suspek na si Kyle Bonifacio sa pagbebenta ng bakuna at vaccine slot sa Mandaluyong City.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, masusing iimbestigahan si Bonifacio hanggang sa matukoy kung may iba pa itong kasama o siya lang mag-isa ang gumagawa nito.


Aniya, patuloy na nangangalap ng mga ebidensya ang mga pulis at National Bureau of Investigation (NBI) na magpapatunay na dapat sampahan ng kaukulang kaso si Bonifacio.

Una nang sinabi ng Mandaluyong Police na batay sa inisyal na imbestigasyon, mayroong kausap si Bonifacio sa social media na nag-aalok umano ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments