Ginang inabutan ng panganganak sa kalsada, sanggol tinangkang i-abandona

Kalibo, Aklan— Inabutan ng panganganak ang isang ginang habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Sitio Guba Brgy. Tigayon Kalibo kahapon ng umaga.
Ayon sa salaysay ni Jessie Tabuyan Tugo, tanod ng nasabing Barangay, na may nagreport sa kanila na may isang babae ang nanganak sa tabi ng kalsada.
Agad nitong pinuntahan ang lugar kung saan naabutan nito na nakalabas na ang babaeng sanggol at nanghihina na ang ina nito.
Dagdag pa ng tanod, na balak umano nitong iwan ang kanyang anak sa lugar at akmang sasakay ng kanyang motorsiklo.
Napigilan umano ang naturang ginang at dinala sa Brgy. Hall para sunduin ng ambulansiya at maihatid sa pagamutan.
Ayon sa mga residente na hindi taga doon ang babae at residente ito ng kabilang Barangay.
Sa ngayon nasa ligtas ng kalagayan ang sanggol at ang ina nito at kasalukyang nagpapagaling sa ospital.
Tumanggi rin itong ibigay ang kanyang pangalan sa mga otoridad.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga Pulis at MSWDO Kalibo sa anggulong posibleng tangkang pag abanduna ng bata sa lugar.

Facebook Comments