2 Barangay sa Cabatuan at 1 sa Naguilian Isabela, ‘Drug Cleared Na

*Cauayan City, Isabela*- Idineklarang ‘Drug Cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO2) ang Barangay ng Diamantina at Del Pilar sa Bayan ng Cabatuan, Isabela.

Ayon kay PMSg. Francis Bayona ng Police Community Relations, labing apat na ang kabuuang drug cleared barangay at dalawa dito ay drug-free kabilang ang Barangay Namnama at Culling Centro.

Aniya, walo nalang ang nasa ilalim na ng balidasyon ng PDEA Region 2 upang tuluyan ng maideklara ang Bayan ng Cabatuan na ‘Drug Cleared Municipality’


Samantala, idineklara rin na ‘drug cleared’ barangay ang Palattao sa Bayan ng Nagulian.

Patuloy naman ang kampanya ng kapulisan kontra sa iligal na droga upang matiyak ang maayos na komunidad na walang presensya ng droga.

Facebook Comments