Ginang, Inaresto sa kasong Estafa sa Bayan ng Reina Mercedes

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga otoridad ang isang ginang matapos isilbi ang kanyang mandamiento de aresto sa Brgy. Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Marivic Layugan, 32 anyos, may asawa, farm owner at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Reina Mercedes, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Ferdinand Dalpig ng MCTC Nagulian-Reina Mercedes Isabela para sa kasong Estafa sa ilalim ng Criminal Case no. 4791.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng nagkakahalagang (P12,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa booking process bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments