Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act ang isang Ginang matapos na gamitin ang ibang mukha sa kanyang ginawang facebook account at nanlait sa social media.
Nakilala ang suspek na si Rumina Taguinod, 27 anyos, walang asawa at residente ng Zone 3, Baggao, Cagayan.
Una rito, nabatid ng biktimang si Marysol Bangayan, 24 anyos, solo parent, residente ng Zone 2 ng naturang bayan na ginagamit ang larawan nito ng suspek sa ginawang facebook account na may pangalang ‘SELLEPET BANGAYAN”.
Sa naturang account ng suspek gamit ang larawan ng biktima ay may mga post ito na “APO KMUSTA KYON NGAY CGURO ADO AGBISIN NGA PANAWEN APO DAGITA DILOT DTA NGA TATTAO NGA AWAN IGATANG DA KANEN DA KAKAASI KAYO PAY AMMUK AGUR URAY KYO LNG TI RELIEF GOODS HAHA, APO NAIMBAG NGA RABII TYO AMIN NGA AWAN LABAS NA KMUSTA KYUN CGURO ADO TI AGBISIN KANYA U NGA KAKASI KAYO PAY AWAN PAGSAPULAN U AWAN IGATANG U TI LAMUTEN YOU DILOT KYO GMIN AGLAMOT KYO LATTA TI ASINEN KEN DAGA IMBAG PAY KANYAMI TA ADO TI RELIEF GOODS MI NGA INTED DA ADDA PAY KWARTA MI KET CKAYO AWAN, PIMAN KAY PAY IMBAG LAINGEN TA ADO KWATA N MAMANG KON KEN RELIEF GOODS NA ADO BUDGET MI THANK YOU MAMANG GEMMA BANGAYAN IMBAG TA NANGABAK KA NGA CAPITAN MAMANG KO ADO MATANGGAP TYO NGA AYUDA KET CKAYO MET IDA NGA DILOT KAKASI KYO AGNAMNAMA KYO, APO ASINO MAYAT GUMATANG TI ARAK ADO DTOY DA MANANG GINA FANTOLGO ADO STACK DA UMAY KYO NGA MAMMARTEKEN SUGOD NA”.
Dahil dito, agad na tinignan ng biktima ang naturang account ng suspek at nakuha ang nakalagay na contact number nito na agad namang tinawagan.
Sinagot naman ito ng suspek hanggang sa nabanggit ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.
Agad namang nagtungo at nagsumbong sa himpilan ng pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.