Cauayan City, Isabela- Nasampahan na ng mga awtoridad ng kasong pagnanakaw ang ginang na may-ari ng isang karinderya dahil umano sa pagkuha ng libu-libong pera sa naiwang bag ng ahente sa Barangay Alunan, Quezon, Isabela kamakailan.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Tala’, nasa tamang edad, at residente sa nabanggit na lugar.
Sa panayam ng iFM Cauayan sa biktimang si Rowell Visitacion, 24-anyos, isang ahente, Disyembre 22 noong nakaraang taon ng kumain siya at 2 kasamahan nito sa karinderya ng suspek ay aksidente niyang naiwan ang bag na naglalaman ng kabuuang P183,000 na koleksyon sa mga panindang ibinabagsak sa mga malalaking tindahan.
Nang balikan ng biktima ang lokasyon ng insidente at dali-daling tinanong ang may-ari tungkol sa naiwang bag ay itinanggi ng ginang na wala silang alam sa pagkakaiwan ng bag na may lamang pera.
Enero 22, nang unang magharap-harap ang suspek at ang biktima sa barangay para pag-usapan ang nanyaring insidente sa karinderya ng suspek dahil sa naiwang libu-libong pera.
Dahil dito, minabuting umamin ang isang katiwala ng suspek na ang kanyang amo ang kumuha ng bag na may lamang pera kasama ang isa pang katiwala na kanyang kahera.
Dito na rin sinabi ng suspek na 60,000 lang ang laman ng bag taliwas sa pagkakabilang ng kahera na umaabot sa higit P90,000.
Nagawa pa aniya ng suspek na bigyan ng P34,000 ang kahera habang P4,000 ang isa pang katiwala, at dahil bilang ebidensya ang bag ay minabuting itapon ito ng suspek sa isang sementeryo na nakasilid sa isang sako subalit natunton ito matapos isuplong ng katiwala ang lugar kung nasaan ang bag.
Tumambad ang iba pang lamang ng bag at ang P120 na allowance ng biktima.
Hihintaynin nalang ng pulisya ang ilalabas na arrest warrant ng korte para sa ikadarakip ng suspek.
Dahil sa nangyaring insidente, umaasa naman ang kampo ng biktima na tuluyan ng mareresolba ang kaso at kung maaari ay maibalik ang perang nawala sa kanya na kasalukuyang ikinakaltas sa kanyang sahod at 2 kasamahan ang perang nawala.