Ginang na may kasong Estafa, Arestado!

71

Cabagan, Isabela -Timbog ang isang ginang dahil sa kasong Estafa matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas kwatro ng hapon sa Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Diana Rose Bulauan Panes, trentay tres anyos, may asawa at residente ng Brgy. Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng PNP Cabagan si Panes matapos magpalabas ng mandamiento de aresto si Hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa 4 counts na kasong Estafa.

Nasa kustodiya na ng PNP Cabagan ang akusado at makakalaya lamang kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga P80,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers