Ginang na Nagbibisikleta, Biktima ng Panghihipo sa Kalsada

44

Cauayan City, Isabela- Inireklamo ng isang Ginang ang umano’y ginawang nakaw na panghihipo sa kanya ng isang nakamotorsiklo habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay alyas ‘Jane’, kapansin-pansin ang pagsunod umano sa kanya ng lalaki nang bigla itong lumiko sa isang kanto patungo sa isang pribadong eskwelahan.


Kwento pa niya, mismong sa tiyan ito hinipuan ng nasabing lalaki na tinatayang nasa edad 40 at nakasuot ng helmet pero nakilala umano niya ang mukha ng nasabing suspek.

Naireport umano niya ang insidente sa tanggapan ng Public Order and Safety Division (POSD) subalit pinayuhan rin itong ipagbigay-alam sa pulisya para makapagsagawa ng kaukulang imbestigasyon hinggil sa kanyang karanasan.

Payo nito sa kanyang kapwa, kung may kahina-hinalang napapansin ay mangyaring huminto pansamantala upang makaiwas sa kaparehong insidente.

Facebook Comments