Guidelines sa paghuli at pagkulong sa mga lumalabag sa health protocol, ilalabas sa Lunes

157

Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mailabas sa Lunes, May 31 ang joint guidelines hinggil sa paghuli at pagkulong sa mga lumalabag sa COVID-19 safety measures.

Ito ay matapos lagdaan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang joint ng guidelines.


Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, inaasahan nila na matatapos sa Lunes
ang legal review at pwede nang i-anunsiyo na aprubado na ng bawat panig ang guidelines.

Aniya, nakatakda ring lumagda sa guidelines sina DILG Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar.

Agad naman aniyang ipapatupad ang guidelines oras na malagdaaan na ito ni Sec. Año.

Nilinaw naman ni Malaya na ang guidelines ay hindi taliwas sa mga ordinansa ng mga Local Government Unit (LGU).



Facebook Comments