Ginang na Tulak Umano ng Droga, Naaresto sa Buy-Bust Operation

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga otoridad ang isang ginang na kabilang sa Drug Watchlist sa ikinasang Buy bust operation pasado alas tres ng hapon kanina sa Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Loreta Jara,30 anyos, walang asawa, isang tindera at residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Roxas, nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa suspek ang mga kapulisan para kumpirmahin ang iligal na aktibidad nito na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa suspek.


Narekober naman sa pag iingat ng suspek ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu, pera na nagkakahalaga ng P1,100.00 na buy bust money, isang cellphone na hinihinalang ginagamit sa iligal na transaksyon at drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang ginang na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments