Magsasaka na di umano’y Militia ng Bayan, Arestado sa Santiago City

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka na itinuturing na Top 5 Wanted Person Provincial Level at pinaniniwalaang Militia ng Bayan matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito bandang 11:20 kaninang umaga sa Brgy. Batal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Franklin Guillermo Sr., 64 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Sebastian, Jones, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones sa pangunguna ni P/Maj. Jerry Valdez, nagsagawa ang kapulisan ng intelligence monitoring sa kinalalagyan ng akusado sa Lungsod ng Santiago na nagresulta naman ng pagkakadakip dito.


Ipinalabas ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br.24 Echague Isabela para sa kasong Destructive Arson sa ilalim ng criminal case no. 24-3069 habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang magsasaka para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments