Lubos ang pagsisisi ng isang ginang mula Cotabato City matapos mabiktima ng online scam.
Sa impormasyon na ipinaabot sa DXMY ng hindi na nagpakilalang ginang, 37 anyos, isang housewife, sa kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya, pinasok nito ang online selling/buying ng mga jewelries .
Sa una ay naging maayos naman ang kanyang hanapbuhay, ngunit lumipat aniya ito ng source ng mapagkukunan ng mga alahas . Naengganyo rin aniya ito dahil sa sobrang mura ng alahas na ibinebenta mula sa isang Facebook Page, ang Saudi Gold.
Sa di malamang rason, tila aniya nahypnotized ito ng kanyang contact mula sa nagpakilalang Saudi Gold , sa loob aniya ng ilang araw andami na itong naiorder na mga alahas na kinabibilangan ng singsing, bracelet at necklace. Hindi rin aniya nito naisip na scam ang kanyang katransaction dahil sa tuwing naghuhulog ito ng pera ay may natatanggap rin aniya itong tracking number mula sa reciever.
Nagduda na lamang ang ginang matapos ang ilang araw na pag-aantay at wala man lang niisang item na dumating sa kanya. Agad namang nakipag-ugnayan ito sa mga shipping forwarder at dun na nadiskubre na hindi nag-iexist ang mga transaction o tracking number na nagmumula sa Saudi Gold.
Tinatayang nasa 150K ang naipadala ng ginang sa Saudi Gold sa loob ng ilang araw lamang, masaklap lamang aniya na mula naman sa mga kaibigan nito ang pera na nagtiwalang nag-order din sa kanya.
Agad namang inilapit ng ginang ang kasong ito sa CIDG BARMM sa Cotabato City at Anti Cyber Crime Unit sa General Santos City. Bagaman aminado ang mga otoridad na pahirapan ang pagtrace sa tila highly oraganized na online syndicate, nangako naman ang mga ito na gagawin ang lahat para mapanagot ang mga taong nasa likod ng panloloko.
Samantala , napag-alaman naman na tila ibinabaliktad pa ng Saudi Gold FB Account ang mga pangyayari sakaling mabibisto na ang kanilang kabulastugan.
Agad na ipinopost ng mga ito sa kanilang account ang mga Picture ng mga naging biktimang kliyente , ngunit kapansinpansin na hindi naman mababasa ang mga komento sa kanilang mga post.
Nagpaalala na lamang ang mga otoridad sa lahat ng mga online seller/buyer na maging maingat sa mga katransaction para di mabiktima ng mga ito.
PIC (Ito ung Profile Pic ng SAUDI GOLD Page) Mag iingat sa mga Manloloko
Ginang nabiktima ng Online Scam, 150K natangay
Facebook Comments