Ginang, Nagpakamatay dahil sa Depresyon!

1824

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang Ginang matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa Brgy. Lakambini, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Maria Melaida Puringue, 40 anyos, may asawa, jobless at residente sa naturang lugar.


lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, una nang nagtangka ang biktima noong hapon ng April 1, 2020 na wakasan ang kanyang buhay subalit napigilan ito ng kanyang asawa na si Nico Leonard.

Habang noong umaga ng April 2, 2020 ay nadiskubre na lamang ang katawan ng biktima na nakasabit sa tindahan ng kanyang hipag gamit ang nylon na lubid.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Nabatid na problema sa pamilya at depresyon ang dahilan ng pagbibigti ng biktima.

Facebook Comments