GINANG, NAHULI SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA SA SANTIAGO CITY

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang Ginang sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot matapos masakote sa ikinasang drug buy-bust operation ng PNP Santiago ngayong araw,Pebrero 28, 2022.

Kinilala ang suspek na si Cristina Tulaban, may asawa 34-anyos at residente ng Purok 7, Barangay Rosario sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng PNP Santiago, ala-1:00 ng madaling araw ng magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit, Santiago City Police Station 1 at Philippine Drug Enforcement (PDEA) 2 sa Ipil Ipil Street, Purok 2, Brgy. Calaocan na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek na si Tulaban.

Nakuha sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isanlibong piso (P1,000), isang limandaang piso (500) na ginamit bilang buy-bust money at isa pang pakete ng shabu na nakalagay sa brown sling bag.

Kabilang ang suspek sa listahan ng mga drug personalities ng Santiago City Police Office bilang Street Level Individual.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments