PCG, pinaghahandaan na ang pagdagsa ng mga pasahero sa barko kasabay ng pagdedeklara ng Alert level 1 sa Metro Manila

Pinaghahandaan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero sa mga pantalan.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng Alert Level 1 sa Metro Manila epektibo bukas, March 1.

Kabilang sa paghahanda ng PCG ang pagpapakalat ng karagdagang K9 units, medical teams at deployable response groups sa major seaports.


Naka-alerto rin ang harbor patrollers at vessel inspectors ng coast guard para sa seguridad sa karagatan.

Bukod pa dito ang deployment ng floating assets at equipment para sa posibleng emergency sa karagatan.

Facebook Comments