GINANG, NALUNOD MATAPOS ATAKIHIN NG EPILEPSY

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang ginang matapos atakihin ng epilepsy at malunod sa irrigation canal sa Purok 7 Brgy. Planas, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si alyas “Grace”, 37-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa PNP Ramon, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang hanay hinggil sa nangyaring insidente.


Base sa kanilang imbestigasyon, binabaybay ng ginang ang isang tulay na kahoy ng bigla itong inatake ng kanyang epilepsy at mahulog sa irrigation canal dahilan para siya ay malunod.

Samantala, kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play at pinili na lamang na hindi na magsagawa ng karagdagang imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments