Palasyo, umaasang kabilang ang Pilipinas sa mga mababahagian ng umano’y kauna-unahang COVID-19 vaccine na natuklasan ng Russia

1238

Umaasa ang Palasyo na totoo ang kumakalat na balita na mayroon nang natuklasang gamot o bakuna kontra COVID-19 ang Russia.

Kasunod nito, umaasa rin si Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na mapagkakalooban ng gamot ang Pilipinas.


Ito ay dahil sa ipinatutupad na foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kaibigan ang lahat ng bansa at hindi kalaban ng sinumang bansa.

Facebook Comments