Ginang ninakawan, itinulak sa bangin ng kapitbahay

Sawi ang isang 40-anyos na misis matapos itulak sa bangin ng kapitbahay na humablot sa kanyang pera noong Linggo sa Real, Quezon.

Basag ang bungo at bali-bali ang mga buto ng biktimang kinilalang si Flora Ocular, habang tinukoy ang suspek na si Arjay Tropicales, 26-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang krimen umaga habang naglalakad si Ocular papuntang bayan para sana bumili ng smart TV.


Sinundan ng suspek ang ginang na nagbibilang noon ng dala niyang P20,000 at nang magkaroon ng pagkakataon ay sapilitang inagaw ang pera saka itinulak sa bangin ang biktima.

Tinutugis na ng pulisya si Tropicales.

Facebook Comments