Ginang, patay matapos masagaan ng sariling sasakyan

Nasawi ang isang 70-anyos na ginang matapos itong masagaan ng kanyang sariling sasakyan noong Linggo ng gabi sa Pennsylvania Avenue sa New Port Richey, Florida.

Kinilala ang biktima na si Georgann Klecan, naninirahan sa naturang lugar kung saan nangyari ang insidente.

Ayon sa New Port Richey Police Department, nangyari ang insidente nang ipark ng ginang ang kanyang minivan nang bigla umano itong umandar pabalik.


Nagtangkang lumabas si Georgann mula sa kanyang sasakyan nang bigla itong nahulog at dito na tuluyang nasagasaan.

Ilang mga nakakita ang agad na tumawag ng tulong dahil sa kakapusan ng hininga ng biktima matapos ang nangyari.

Dinala ito sa North Bay Hospital ngunit kalaunan ay namatay rin.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, isang trahedya ang nangyari.

Nag-abot naman ng pakikiramay ang mga kaibigan ni Georgann sa pamamagitan ng mga mensahe nila sa fb ng biktima.

Facebook Comments