Lalaki, Patay Matapos Masagasaan!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos itong masagasaan ng isang bus bandang 10:30 kagabi sa kahabaan ng Brgy Raniag, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jaime Flora, 53 anyos, may-asawa at residente ng Purok 1 Raniag, Ramon, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Ramon, habang patawid sa lansangan ang biktima ay aksidente itong nabangga at nasagasaan ng paparating na Hino Truck Bus na may plakang NAD7684 na minamaneho ni Adel Yabis, 55 anyos, bus driver at taga Zone 4 Casili, Camalanuigan, Cagayan.


Halos magkalasog-lasog ang katawan ng biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda naman ang isasampang kaso na Homicide.

Facebook Comments